Friday, October 5, 2012

Sa Bagong Paraiso









Pagninilay:

Sa akdang ito medyo hindi maganda ang naging reaksyon ko matapos ko ito mabasa  sapagkat  ang mga pangunahing tauhan sa akda na sina cleofe at ariel ay nagpakita ng hindi magandang ginawa tulad nalamang ng hindi nila sinunod ang mga payo sa kanila ng kanilang mga  magulang. at sa akdang ito ay matatawag nating romantisismong pananaw na ibig sabihin ay ang pagtakas sa katotohanan na tulad nila cleofe at ariel tumakas sila sa katotohanan, sila ay nagkaroon ng pagdedesisyon na magkaroon ng bagong mundo , nagkaroon sila ng lihim na pagiibigan at nagdulot ito ng hindi mabuti sa kanila lalo na kay cleofe na sya ay maagang nabuntis kaya nagdulot ito ng maagang pagmulat nila. kaya sa akdang ito ako'y napaisip na sa akdang ito ay nagbibigay ng isang halimbawa sa amin kung hindi kami susunod sa mga payo ng aming mga magulang ay baka maaring maging ganito rin ang aming magiging kahihinatnan kung tatakas din kami sa katotohanan . kaya mas mabuti nga na unahin muna namin ang aming pag-aaral bago pumasok sa mundo ng Pag-ibig.


Gawain~

\\

Ito ay gawain namin tungkol sa paggawa ng tula tungkol sa pagpapahayag ng nararamdaman sa taong aming hinahangaan gamit ang kalikasan.

Kanlungan by: Noel Cabangon


Ang awiting ito ay may kahalintulad sa Tulang " Sa Tabi ng Dagat" na kung saan Parehas nilang ginamit ang Kalikasan sa pagpapahayag ng Damdamin

Bisang Pangkaisipan at Pandamdamin sa Tulang "Sa Tabi ng Dagat"


Sa Tabi ng Dagat


Pagninilay:

Sa tulang ito "Sa tabi ng Dagat"  ay  nang matapos ko ito mabasa at malaman ang pinapahayag nito . 
ako ay napaisip na mahalaga nga na ang pagibig ay dapat nating ingatan at dapat natin itong pahalagahan dahil ang pagibig ay isang regalo na maakasaya. kaya dapat hindi natin sasayangin ang mga pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa akdang ito pinapakita ang kahalagahan ng pagibig at tungkol ito sa dalawang taong nagiibigan na kung saan ginamit nila ang kalikasan sa pagpapahayag nito ngunit ako ay hindi naging masaya sa ipinahayag na mensahe ng akdang ito na ang Pag-ibig ay hindi palaging nandyan o ang nararamdamdaman ng  tao sa isang tao ay naglalaho din.

Bisang Pangkaisipan at Pangdamdamin sa Dekada '70


Bisang Pangdamdamin
 Pagkalungkot at pagkainis ang naging epekto sakin ng mabasa ko ang akda dahil nalungkot ako sa mga nangyari sa mga tao kung paano sila naghirap at nagkaroon ng matitinding problema noon at pagkainis dahil sa mga pagkakataong naging malupit ang mga tao noon.

Bisang Pangkaisipan
 Nang matapos kong mabasa ang akdang Dekada '70 ay nalaman ko ang mga pangyayari na nagyari noong panahon ng Dekada '70 nalaman ko kung paano nagpatupad ng mga batas ang mga tao noon at nalaman ko rin kung paano naghirap ang karaminhang tao sa panahong ito.

Gawain~






Ito ang aming gawain na may kaugnayan sa akdang Dekada '70 na kung saan binago at isinaayos namin ang mga salitang pinaiksi mula sa akda at ibinigay din namin ang aming dating nalalaman tungkol sa kaganapan noong Dekada '70