Ang awiting ito ni Freddie aguilar na "Anak" ay ang mensaheng ipinararating nito ay ang pagmulat sa mga bagay na kailangan nating baguhin . sa awiting ito ay isang tao ay sa bandang huli ay nagsisi sa mga nagawa nyang kasalanan na kung saan ang dahilan ay hindi nya sinunod ang mga utos at payo ng kanyang magulang.
((= Anngelou P. Carpio III-1 =)) ~Lipon ng mga gawain, takdang-aralin at pag-susulit.
Wednesday, January 2, 2013
Alibughang Anak
Pagninilay:
Ang kwentong ito ay galing sa bibliya na kung saan aking napagtanto nang aking mabasa ang kwento na kung may nagawa man tayong kasalanan sa ating mga magulang ay handa silang magpatawad dahil sa ating pagkakamali ay kanilang itutuwid kaya dapat nating mahalin ang ating magulang habang sila ay nabubuhay pa at matuto natin pahalagahan ang mga bagay na ginagawa nila sa atin. ang kwentong ito ay maihahalintulad sa Tulang "Luha".
Luha
Nangmabasa ko ang akdanhg LUHA agad na pumasok sa isip ko na mahalaga nga ang pagsunod sa ating mga magulang sa mga payo na ibinibigay nila sa atin dahil hangad nila na mapabuti ang mga anak nilang kagaya natin pahalagahan din natin ang mga ginagawa nilang kabutihan sa atin dahil kung hindi natin ito pahahalagahan sa bandang huli tayo din ang magsisisi.
Wednesday, October 10, 2012
Buod ng Kabanata 60 ng Noli Me Tangere
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o
natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa.
Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng
karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang
‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay
may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng
bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni
Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
EspadaƱa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya
Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat
sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria,
kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal
nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan
niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto
nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si
Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa
sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang
kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng
komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na nagpatihuli ng dating at
si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit
malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae
na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw
habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya
ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo
siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang
kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad
ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit
din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria.
Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang
pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng
bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at
pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang
binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan
tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan
alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero
wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at
pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa
pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria.
Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-60-ikakasal-si-maria-clara/
Dito ang pagtatapos ng Nobela.
Dito ang pagtatapos ng Nobela.
Buod ng Kabanata 54 ng Noli Me Tangere
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes.
Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin.
Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas
agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita
ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa
kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon.
Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya
na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito
nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga
insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa
kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli
nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang
mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya
nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap
silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo
sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa
nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa
laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang
nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat
ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot
at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa
mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong
niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong
pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli
lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng
balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang
ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang
hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na
pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang
papeles at dokumento.
Sa kabanatang ito masasabing tunggalian at kasukdulan ng pangyayari sa nobela na kung saan nalaman ni elias na ninuno ni ibarra si pedro eibarramienda na dahilan ng pagkawasak ng kanyang pamilya.
Buod ng Kabanata 34 ng Noli Me Tangere
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na
nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa
sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa
kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan
Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.
Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago,
siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni
Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.
Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang
Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi,
ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng
kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.
Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat
nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang
pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero
patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang
ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may
kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si
Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo
ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-34-ang-tanghalian/
Dito sa kabanatang ito ay masasabing Tumidinding Galaw na kung dahil sa pangyayaring muntikang masasaksak ni ibarra si padre damaso.
Dito sa kabanatang ito ay masasabing Tumidinding Galaw na kung dahil sa pangyayaring muntikang masasaksak ni ibarra si padre damaso.
Subscribe to:
Posts (Atom)
