Tuesday, July 31, 2012

Mga Bahagi ng Liham



1. Pamuhatan -


 dito sinusulat ang tirahan o adres at ang petsa kung kailan niya ito sinulat. 
Hal: brgy.baras,palo,leyte 
ika-21 ng Enero,2011 


2. Bating Panimula -



 ito ay maikling pagbati sa sinusulatan, na ang bantas na ginagamit sa hulihan ay kuwit. 
Hal: mahal kong Rose Wynne,
Sa bating panimula ay gumagamit ng magagalang na salitang tulad ng Mahal kong,ang kaibigan kong si,at iba pa.


3. Katawan ng liham -



 dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat 
hal:sana okay ka lang sa hospital at mamaya kung lumabas ka na laro tayo ng masayang mga laro


4. Bating Pangwakas -


 dito ay magalang na nagpapaalam ang sumulat. Ang bating pangwakas ay nagtatapos sa kuwit. 
Hal: ang iyong kaibigan,ang iyong kapatid,at iba pa.
5. Lagda -



  dito isinusulat ng lumiham ang kanyang pangalan. Kung ang ating sinulatan ay isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating ilagda. 
Raven 

No comments:

Post a Comment