MGA TAUHAN:
REGINA CALDERON- 48 TAONG GULANG, BALO, ISANG MAESTRA
TONY- PANGANAY NIYANG ANAK, ESTUDYANTE
AIDA- 18 TAONG GULANG, ANAK NIYANG BABAE
TAGPUAN:
Sa kanilang Tahanan
BUOD
Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo’y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya’y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya’t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang Konsehal. Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya’y hustisya ang mananaig.
Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang laging mananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong nanaman si aida, kailangan ni Aida ng tranquilizer upang siya’y kumalma. Kaya’t nagpabili ng gamot si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito’y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya’t tinimplahan siya ni Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patuloy parin pinapainom ng lason si Tony, ang masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo’y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.
SIMBOLISMO:
Baril – Sa akdang ito, inaakala nila na ang baril ang sagot upang makamit ang hustisyang inaasam
Mga tauhan. Ngunit heto rin ang magdadala sa kanila sa kapahamakan.
Layunin ng Awtor:
Layunin niya na iparating sa mga mambabasa kung ano ang nangyayari sa ating batas,
Hustisya, at karapatan bilang tao. Inilalarawan sa maikling kwento na kung gaano ka bagal
Ang hustisya. Na ito ay para lamang sa may pera at mahirap. Na kapag wala kang pera ay
Hindi mo makakamit agad agad ang hustisyang tinatamasa.
Kakintalan (Impresyon ng Mambabasa)
Dapat ay hindi natin inilalagay sa ating kamay ang hustisya. Ipaubaya na lamang natin sa
Diyos ang lahat. Dahil siya ang higit na nakakaalam kung anong gagawin nya. Matuto tayong
Maging mahinahon at wag maghiganti sa mga taong nagkasala sa atin.
Pagsusuri:
Sa Hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera ka man o wala, karapatan
Nating makamit ang hustisya kapag tayo ay naargabyado nang kung sinong tao. Dapat din ay
Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas. Iwasan nating marumihan ang ating
Pangalan.
No comments:
Post a Comment