Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o
natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa.
Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del
Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng
karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang
‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay
may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng
bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni
Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
EspadaƱa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya
Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat
sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria,
kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal
nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan
niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto
nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si
Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa
sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang
kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng
komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na nagpatihuli ng dating at
si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit
malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae
na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw
habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya
ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo
siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang
kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad
ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit
din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria.
Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang
pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng
bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at
pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang
binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan
tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan
alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero
wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at
pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa
pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria.
Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
http://gusot.wordpress.com/2007/09/04/noli-me-tangere-kabanata-60-ikakasal-si-maria-clara/
Dito ang pagtatapos ng Nobela.
Dito ang pagtatapos ng Nobela.
No comments:
Post a Comment