((= Anngelou P. Carpio III-1 =)) ~Lipon ng mga gawain, takdang-aralin at pag-susulit.
Wednesday, October 10, 2012
Buod ng Kabanata 7 ng Noli Me Tangere
“Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon.
Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan.
Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay”
http://noli-me-tangere.com/kabanata-7-suyuan-sa-asotea/
Sa kabanatang ito ay masasabing dito ang pagsisimula ng nobela. na kung saan si maria clara at ibarra ang unang pagtatagpo nila at dito din nagsisimula ang pagkakaroon ng suliranin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hello po ginagamit po ba yan sa als?
ReplyDelete