Monday, October 8, 2012

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Sa Lupa ng Sariling Bayan Namatay ang kanyang ina noon siya’y limang taon gulang lang. Di naglipat taon, sumunod na namatay ang kanyang ama. Siya’y inampon ng isang amain ang kapatid ng kanyang ama- sapagkat wala nang ibang sa kanya’y mag-aampon. “Dalawang pera lamang ang hihingin niya noon sa kanyang Tata Indo ay kailangan pa niyang maghapong umiyak.” Sa ganitong pangungusap malimit ilarawan ni Ama ang kakiuriputan at kabagsikan ng amaing nag-ampon kay Layo. “Kaya, ang gaggawin ng Lyong iyan ay paririto, sa iyong ina sasabak ng iyak. Ku, kumakaripas pa ng takbo iyan kapag nabigyan ng iyong ina ng tatlong pera.” Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng bata iyon na binanggit ni Ama. Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na sa nmga kinikilalang manananggol sa lungsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang kumukuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty Pedro Enriquez. Sasabihi ng abugado na talagang magaling ito. (topnocher yata iyan, sasabihin sa iyo ng abugado); sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigit sa klase (si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga- San Roque ang minsa’y ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo; isa sa Escolta, isa sa Echague( sa itaas ng malaking otel doon, at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo roon nagyon. Bago siya naratay ay umuwi siya sa amin sa San Roque. Bakasyon noon at nasa San Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak. Sakay sila ng isang kotse bihirang mapasok ng kotse ang San Roque. Sa tapat n gaming maliit na bahayy huminto ang kotseng iyon. “Galing kami sa San Fernando) ang bayan ng kanyang asawa) , at nagyaya si Ising at ang mga bata rito. Gusto raw nilang makita ang San Roque.” Ayaw umuwi ni Layo sa aming bayan; totoo nga marahil na ang pinakamapapait na hinanakit ay inilalaan ng isang nilikha sa kanyang sariling bayan: hindi makkakalimutan ni Layo ang kanyang mga hinanakit sa San Roque- kahit ngayong patay na ang kanyang mabagsik na Tata Indo, at kahit ngayong maluwag na ang kanyang buhay. Hindi sila gaanong nagtagal sa amin sa pagdaraang iyon. Pagkainom nilang mag-anak ng inuming pampalamig ay nagpaalam na sila. Sumakay sila ulit sa kotse at mula noon ay hindi na nagbalik. Gayon man, malimit pa rin silang magkita ni Ama sa Maynila. Si Ama ay isang retiradong guro. Isang kumpare niya ang nagpapatulong sa isang kaso sa Manahan. HInahabol ang kanyang kumpareat ng mga kapatid nito ang isang malawak na lupa sa San Jose na tinatayang hihigit sa kalahating milyon piso ang halaga. Inirekomenda ni Ama si layo sa kanyang kumpare at ditto nila inilapit ang kaso kadatral na iyon. Tuwing maluluwas si Ama at ang kanyanng kumpare ay dumaraan sila sa tinutuluyan kong bahay-pangaseraan. Sinasamahan ko sila sa pagpunta kina Layo. Marami akong nalaman sa pagsama-sama kong ito sa opisina ni Layo. Malaki nap ala ang bahay ni Layo sa Quezon City Malawak pala ang kanyang lupa sa Isabela. Siya ang umusiig kay Gayo’t ganitong pulitiko; siya pala ang awtor ng gayo’y ganitong aklat sa batas. Siya pala ang abugado ng malaking korporasyon iyon. Tanyag na nga at matagumpay si Layo. Ngunit ang hinanakit niya sa San Roque ay hindi pa rin niya nalilimutan. “Ni puntod ng Ama’t Ina ay di ko madalaw,” minsan nasabi sa amin ni Layo. Nagpauna noong umuwi sa Kalookan ang kumpare ni Ama at kami’y isinama ni .Layo sa kanyang bahay. Doon, nang kami na lamang ang magkakaharap, ay nakabitiw siya sa kanyang mga kilos, gawi at salitang abugado. Naghubad din siya ng barong tagalong at nakakamiseta na lamang sa pakikipag-usap sa amin. Ang tungkol sa puntod na iyon ng kanyang mga magulang ang hindi malimut-limutan ni Layo. Maliit lang ang libingan ng San Roque noon; mabuti ngayon ay may bakod na’t may malalaking nitso. Marahil, ang puntod ng mga magulang ni Layo ay nakasama sa putol ng lupang nabili ni Gallego, ang pinakamayaman sa amin. Ngayo’y may nakatayong poultry ng manok sa dating bahaging iyon ng libingan, isang malaking bahay ng manok, sapagkat malaki ang poultry ni Gallego. Sinasabing sa mga dumi lamang ng manok ay nakabibili ng trak na de-karga si Gallego; ang mga duming iyon ay pinapala ng kanyang mga trabahador sa ibabaw ng mga dating puntod, at ipinagbibili sa mga may palaisdaan ng bangus. Ang katulong na abugado ni Layo ang umaasikaso sa kasong nilalakad ni Ama nang maratay si Layo. Dinaraanan pa rin ako ni Ama sa bahay-pangaserahan. Iyon ang bilib ko sa kanya; matanda na si Ama at natatako akong baja sa pagtawid-tawid niya at matumbok na lamang siya ng sasakyan. Madaling na niyang makasama ngayon ang kanyang kumpare; naisaloob marahil ng kanyang kumpare na totoong nakaaabala siya kay Ama kung kaya siya na lamang ang sumasama sa abugado sa mga bista. Dinadalaw naming ni Ama si Layo, na itinuturing na ni Amang pamangkin, hindi dahil sa nais naming tumunton ng isang mayamng kamag-anak (dumarami ang kamag-anak ng isang tao kapag mayaman na siya), kundi dahil sa Layo na rin ang tumunton kay Ama at sa amin bilang mga kadugo. “Kayo lamang ang matutunton kong kamag-anak sa San Roque,” minsa’y sinabi niya sa aming mag-ama. “Kayo lamang, Tiyo Julio, Ben.” Malaki ang ipinangayayat ni Layo mula nang siya’y magkasakit. Ngayo’y maputlang-maputla siya. Malimit na siyang datnan na mahaba ang balbas. Maliit siyang lalaki at lalo pa siyan lumiit sa tingin ko nang siya’y magkasakit. Lalo naman lumaki ang kanyang ulo. (Marunong talaga ang Layong iyan, malimit sabihin ni Ama, iyon ba naming laki ng ulong iyon!) Sa isang pribadong silid sa ospital siya nakatigil. Hindi sya iniiwan doon ng kanyang maybahay. Kung minsan, naroon ang isa niyang anak, Si Fe, ang bunso. Walang imik ang maybahay ni Layo. Dati raw itong modista sa San Fernando. Ngayon ngang maratay ni Layo, mga kamag-anak lang nila sa panig ni Ising ang dumalaw sa kanya. “Walang napariritong taga-San Roque?” minsan ay itinanong ni Ama. “Hindi ko sila hinihintay, Tiyo Julio.” Ang tungkol sa kanyang tunay na karamdaman ay kamakailan lang naming nalaman. Kinausap ni Ama ang doktor na tumitingin sa kanya. Malaki na raw ang naputol na bahagi ng kayang butika. “Sana’y nakasama na roon ang bahaging may kanser,” sabi ng manggagamot. Yaon ay sa ikalawang pag-opera kay Layo. Hindi na niya kinakialangan ang ikatlong operasyon. Nang muli naming kausapin ang doktor, sinabi nitonglaganap na ang kanser sa kanyang bituka at tatlong buwan na lamang ang pinakamahabang itatagal ng kanyang buhay. Ang sabi ni Ama’y may tatlumpu’t pitong taong gulang lang si Layo. Nang kami’y pumasok sa silid ay nataman ko siyang pinagmasdan. Kay bata pa niya upang mamatay. Tanyag siya ngayon, ngunit hindi pa niya naaabot ang ituktok ng katanyagan. Sino ang makaaalam, nasabi ko nga kay Ama nang kami’y pauwi na, kung magiging hukom siya baling araw? Sa loob ng tatlong buwang ibinigay na itaning ng manggagamot ay malimit naming dalawin si Layo. Gusto ni Layo na lagi naming siyang dinadalaw. Kapag may isang lingo naming siyang hindi nadalaw, naghihinanakit siya. Kami raw ba’y nagsawa na sa pagdalaw sa kanya? “Naiinip ako rito, TiyoJulio,” sabi niya kay Ama. Nagtaka pa ako nang malaman kong alam ni Layo ang kanyang sakit. “May kanser pala ako, Tiyo Julio, ayhindi ko nalalaman.” Pabiro niya niyang sabi kay Ama, “ Ang buhay nga naman,oo,” bahagya siyang tumawa, “kay lakas-lakas kung tao’y may kanser pala ako.” Sinbi niya yun na parang iyon ang pinakakaraniwang bagay sa kanyang masasabi. Natignan ko tuloy si Ising na nasa silid din at naririnig an gaming pag-uusap. Ano kaya ang nasa loob ni Ising? Nakaupo si sing sa sopa na naroon. Nang pumasok kami at patuluyin ni Ising tila iiyak ito. Ngayon nga - narinig niya ang sinabi ni layo-ay tahimik siyang nagpapahid ng luha. “Akala ko’y ulser lang noon una, “patuloy ni Layo. Hindi pala. Ito pala ang pinakamabagsik. Bakit naman kaya ako pinakapili-pili nito, ha, Tiyo Julio?” “Nakakalimot ka sigurong kumain noon.” Sa kawalan ng nasabi ni Ama.. Tumingin sa kisame si layo. “Hindi nga ako nakapagkakain noon, Tiyo Julio,” ania . Napaggugutom ako, trabaho sa araw, aral sa gabi. Nakapagtrabaho pa ako noon sa diyaryo.a,”baling niya sa akinsapagkat alam niyang interesado ako sa peyodiko. Journalism ang aking tinapos. “City editor na ako noon,”ania at binanggit ang isag maliit, amlinis, ngunitpatay nang pahayagan,” nang ako’y nagbitiw.Mahirap na buhay iyang buhay ng manunulat.” Wala kaming sukat masabi ni Amakaya siya ang pinabayaan naming magsalita. Nahihirapan na siyang magsalita, ngunit nakikita naming ibig niyangmagsalita. Parang nakakatulong din iyon sa kanya; parang nakababawas sa tiniis niyang kirot. Tumawa ng mahina si Layo. “Kangina’y pinag-uusapan naming nitong si Ising , Tiyo Julio- oy Ising sinasabi ko sa kanila iyong sinasabi ko sa iyo kangina- kung saan ako ililibing. Dito sa Maynila,’kako gusto ko diyto sa Maynila malibing,” “Huwag na nga nating pag-usapan yan,” sansala ni Ama, Kaw kung anu-ano ang pinagsasabi mo.” “Hindi nga Tiyo Julio, hindi ko na inaasahang bubuti pa ako.”nakangiti paring pakli ni Layo. “Huwag ninyo ako ililibing sa san Roque, Tiyo Julio, huwag. Dito sa Maynila.” Tumayo s Ama. “Aalis na kami ni Ben, hala ka.” Tumas ang maputla at butuhang kamay ay nakangiti pa rin si Layo. “Ang Tiyo Julio nama, ani Layo at bahagyang umiling, “Siya,” aniya at tinignan ako, “ iba na ang ating usapan, takot ang Tiyo Julio, Nakapaglathala ka na ba , Ben?” Hindi ko siya sinagot. Marami akong naiisip habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko sa kanya ang paghahangad na maging matatag sa harap ng nalalapit na kamatayan, ngunit bigo ang hangarin niya maging matatag. Bigo ka, Layo, bigo ka. Natatakot ka rin, nagtatapang-tapangan ka lamang. Bakit hindi pa amining takot ka? At itong libing sa San Roque. Kung ayaw mong malibing doon ay bakit mo lagging binabanggit? “Palisip itong si Ben,” itinuro ang ng maputlang hintuturo ni Layo. “Makakasulat nga siguro ito.” Kay Ama naman siya tumingin. “Dalas-dalasan naman ninyo ang dalaw, Tiyo Julio. Sa amin na kaya kayu umuwi, si Ising lang at ang mga nbata ang naroon. Baka nahihirapan kayong umuwi sa probinsya.” Ipinangako na lamang ni Ama na lagi naming siyang dadalawin. Mahinang-mahina na si Layo nang siya’y muli naming dalawin. Paos na ang kanyang tinig at halos hindi na niya maigalaw ang mga kamay. “Kaawa-awa naman itong si Ising,” sabi niya, “kaawa-awa naman ang aking mga anak. Kayo na ,Tiyo Julio, Ben, ang bahala sa kanila. Kayo na ang bahalang tumingin sa kanila. Kay Ama niya inihabilin ang paglilibing sa kanya. Dito sa Maynila, sinasabi na namn niya. “Mag-iisa akong malilibing ditto, Tiyo Julio, ngunit gusto kong ditto malibing.” “Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang mga hinanakit mo’y kalimutan mo na. Masama iyong babaunin mo pa ang mga iyan.” “Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang libing ni Ama’t Ina? Walang akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.” Tumungo ang maputing ulo ni Ama; pati siya’y ibig ring maluha sa sinasabi ni Layo. “Walng hindi umuuwi sa atin, Layo,” nasabi ni Ama . “Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika, pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang malibing ditto sa atin.” “Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio.” “Walang ngang hindi umuuwi sa kanyang bayan, Layo. Ikaw man ay umuuwi rin.” Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan, ibig ko ring sabihin kay Layo. Maaaring narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay na pabalik doon. Maaaring nagging mapait ang kabataan mo roon, maaaring nagging mapait ang karanasan mo roon, ngunit huwag mong sabihing ikaw ay di babalik. Ngayo’y hindi siya nakatingin sa akin, ni kay Ama, ni kay Ising. Nakatingin siya sa kisame. Nakaangat ang kanyang baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang mga mata. Alam kong naglalakbay ang kanyang diwa; marahil, nalalaman ko kung saan naglalakbay iyon. Gusto kong isipin na iyo’y sa aming bayan. Gusto kong isipin na ngayo’y naglalakbay ang kaluluwa ni Layo patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na ngayo’y tila nga tuyong dahon nang malaglag ang kanyang mga hinanakit;gusto kong isipin na sa paglalakbay ng kanyang kaluluwa, sa paglalakbay sa inyong pabalik,ay nakatatagpo siya ng kapayapaan… may matatandang nagkakaharap-harap, kahit madagil o matisod sa kanilang pagtakbo ang matatanda ay hindi pansin at walang pakundangan. Noong araw, ang mga bata ay hindi basta nakasasabad sa usapan ng matatanda, kung hindi tanungin ay hindi sasagot. Indi katulad ngayon na may mga batang kahit hindi tinatanong ay nagpapauna nang nagsasalita at nagbibigay ng impormasyon. Sa kasalukuyang panahon, ay pagsabad at pakikihalo ng mga bata sa salitaan ng matatanda ay pangkaraniwan na lamang. Ano ang ugat na pinagmulan ng mga lahat ng ito? Sa aking palagay, ay ang aktitud o ang tinatawag na “twisted sense of value” sa Ingles na sa malayang pagsasaling-wika aybalikukong pagpapahalaga sa mga bagay-bagay. Sa ngayon ay tinuturing ng ibang mga magulang na listo at matalino ang isang batang matabil at nakikipagtalo sa matatanda. Ang ganito ay pinapayagan at pinalalampas nila sapagkat ang bata ay nadudungo raw kapag sinasawata sa katabilan. Ngunit ano ang nangyari? Lumabis naman ang kalistuhan kayat umabot sa sukdulang umaangil at sumasagot ng pabalang-balang sa matatanda. Napansin ba ninyo na buhira na ang mga kabataan namumupo sa matatanda? Maging sa mga lalawigan at mga baryo ay marami naring kabataan ang hindi nagsisipamupo sa matatanda, dahil sa maling palagay na ang pamumupo ay palatandaan ng kadunguan at pagpapakababa.labis magpasunod ang ibang mga magulang. Ipinatatamsa sa mga anak ang labis na kalayawan na lampas sa tunay na kahulugan ng tunay na kalayaan. Tila napapanahong ipagunita sa atin ang sinabi ng Dakilang Lumpo na si Apolinario Mabini na “Ang kalayaan ay ukol lang sa mabuti at kailanman ay di sa masama.” Bakit natin itututring na kadunguan at pagpapakababa ang pagpapakita ng paggalng sa matanda? Napipingasan ba an gating pagkatao kung pinaiiral antin ang dating mabubuting kaugalian ng paggalang sa matatanda? Malulugod naman tayo kung ang sumusunod sa mga tuntunin ng kagandahang-asal. Sa pagkabulid sa kasamaan ng anak, ang mga magulang ay may bahagi. May mga magulang na halos wala nang panahon para sa mga anak sapagkat lubhang abala sa mga gawaing sosyal. Lahat ng bahay sa pamamahay ay iniaasa na lamang sa mga katulong. Ang bata ay lumalaki sa kandungan ng yaya sa halip na sa masintahing dibdib at bisig ng ina. Ang ama naman ay lubhang abala sa mga Gawain at hindi niya maipadama sa anak ay ang init ng pagmamahal. Ang araw ng Linggo na dapat ipagsama-sama ng mag-anak ay naiuukol din ng mga magulang sa labas ng tahanan dahil sa gawaing panlipunan. Hindi pa huli ang lahat. Kailangan lang ilingap ng mga magulang ang mga paningin sa kapaligiran, ituon ang isip sa kinabukasan ng minamahal na mga supling at ipadama sa mga anak ang mapagpalang haplos ng mga kamay nahuhubog sa mga ito bilang mabubuting mamayanan ng bayan. Ang paaralan man ay isang tungkong may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ng kabataan bagaman sa pagkukulang ng guro ay masasabing kahati rin ang mga magulang. Ang guro ay dapat na maging halimbawa ng mga mag-aaral. May mga gurong kulang ng pagmamalasakit sa mga tinuturuan at hindi inaalintana ang kapakanan ng mga ito. Ang ibang mga guro naman ay kulang ng pang-unawa sa damdamin ng mga bata. Dapat isa-isip ng isang guro na siya ang dapat maging patnubay ng kanyang mga tinuturuan tungo sa landas ng kabutihan. Marahil ang isa pang bagay na nagiging dahilan ng kapabayaan ng ibang guro ay ang pangungunsinte ng mga magulang sa mga anak. Kapag nalaman ng ibang mga magulang na nakagalitan o napagsabihan ng guro ang anak ay susugod agad sa paaralan at karakarakang papanigan ang anak ng hindi inaalam ang dahilan. Maaaring isa pang sanhi kung bakit nawawalan ng lubos na pagsisikap sa pagtuturo ang ilang guro ay ang kanilang kasiyahan sa maliit na sahod kung ihahambing sa ibang propesion. Maging ano pa man ang mga suliranin ng isang guro, katungkulan niyang hubugin sa matuwid na landas ang mga batang tinuturuan. Sa kanyang mga kamay nakasalalay ang ikauunlad ng kaisipan ng kabataang pagasa ng bayan. Totoong mahirap ang mga gawain at tungkulin ng isang guro, ngunit dapat niyang gampanin ng buong katapatan at iisantabi ang mga pansariling suliranin at damdamin. Ang simbahan, katulad ng tahanan at paaralan, ay may tungkulin sa kabataan. Ang pag sisimba ay inihahalintulad lang sa pangkaraniwang gawain at isang paraan upang Makita ang mga kakilala at kaibigan. Nararapat pagsumikapan ng mga alagad ng simbahan na maitanim sa puso ng kabataan ang tunay na kahulugan ng kabanalan at pag-ibig sa Diyos. Marahil ang kakaibang kilos ng kabataan ay bunga ng pandaigdig na pagbabago sa ating pamumuhay at kabihasnan. Ang suliranin natin ngayon ay kung paano magkakatulung-tulong ang Tungkong Kalan, tahanan, paaralan at simbahan, para sa kapakanan n gating kabataan at kaunlaran ng bayan. Tata Selo Maliit lang sa simula ang kalumpun ng taong nasa bakura ng munisipyo, ngunit ang tumaas ang araw, at kumalat ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno ang bakuran ng bahay –pamahalaan. Naggitgitan ang nga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan, bawa’t isa ay naghahangad makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata selo? “Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Nasa loob ng istaked si Tata selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May naka alsang putok ang noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw sa mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao. “Hindi ko mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga.” Talagang hindi ko mapaiwalaan.” Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang gadali at natuyuan na ng dugo ang putok sa noo.Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked,ipinagtulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok. “Bakit niya babawiin ang aking mga saka?” tanong ni Tata selo.”Dinaya ko nab a siya sa partihan?Tinuso ko ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama niya lang ako.Hindi bat kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?” Hindi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitignan. “Hindi mo n asana tinaga ang kabesa,” anang binata anak ng pinakamayamang propitary sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo. “Binabawi po niya ang aking saka,” simbong ni Tata Selo. “Saan po ako pupunta kungwala akong saka?” Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya ano mang oras.” Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas. “Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “ Alam po ba ninyong datingamin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargolamang po ag kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po ako hindi nagbibigayng kahit isang pinangko kung amihan. Kung hindi ko naman po mababawi, masaka ko man lang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kanina, ‘Kung maari mo sana, ‘ ‘Besa,’ wika ko po, ‘kung maaring po sana, wag naman ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka , ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na ngunit ako pa nama’y malakas pa. Ngunit……Ay! Tinungkod po niya ko ng tinungkod, tignan po ninyo ang putok sa aking noo, tignan po n’yo.” Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. “Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?” Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid o anak-magbubukid, na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binhi ay may halas. May sukbit itong lilik. “Pinuntahan niya ako sa aking saka, Amang.” Paliwanag ni Tata Selo. “Doon bas a may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba naraw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, Amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?” “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.” Gumagapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. “Patay po ba?” Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat. “Pa’no po niyan si Saling?” muling taong ng bata. Tinukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?” Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa . Abut-abot ang busina ng dyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked. “Patay po ba? Saan po ang taga?” Naggitgittan at nagsisiksikan ang mga pinagpapawasang tao. Itinaas ng may katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay . Nanulak ang malaking lalaking hepe. “Saan po tinamaan?” “Sa bibig” Ipinasok ng alkalde ang kanyang palad sa bibig,hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa Kanang punong tainga “Lagas ang ngipin” “Lintik na matanda.” Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggigitan , nagtulakan. Nanghataw na ng babtuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si tata selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay tata selo sa istaked. “Mabibilanggo ka niyang, Selo,” anang alkalde pakapasok ni tata selo sa kanyang tanggapan Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo, Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa. “Pa’no nga ba ang nagyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. “Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lang po at naembargo. “Alam ko na iyan.” Kumukumps at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde. Lumunok si Tata SElo. Nang muli siyang tumingin sa alkalde, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila nang may inaaninaq na mata. “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,”wika ni Tata Selo. “Kayak o pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po ako.” “Saan mo tinaga ang kabesa?” Matagal bago nakasagot si tata Selo. “ Nasa may sangka po ako ng dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako g pitas sa pilapil. Alam ko pong pinapanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbubuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kayak o pa pong magsaka. Walang anu-anong po, tinawag niya ako at nang ako’y lumapit, sinabi niyang makaaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.” “Bakit po naman, Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko uli, ‘malakas pa naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap po ako sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod.” “Tinaga mo na no’n,” anang nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribiyente pang nakapasok doon ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang mga putik, maaalikabok at luyang paa. “Ang inyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde. Hindi sumasagot si Tata Selo. “Tinatanong kita,” anang alkalde. Lumunok si Tata Selo. “Umuwi nap o si Aling Presidente.” “Kailan?” “Kamakalawa pa po ng umaga.” “Dib a kinakatulong siya ro’n?” “Tatlong buwan na po.” “Bakit siya umuwi?” Dahan-dahan umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. “May sakit po siya.” Nang sumapit ang alas-dose inihudyat iyon ng sunoud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lang ng minisipyo ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Napatay mo pala si kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit it okay Tata Selo na nakayuko at di pa tumitinag sa upuan. “Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod ang matanda. “Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak, at kumikinig ang labing katuwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormengkaki ng hepe. “ Tunungkod po niya ako nang tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod…” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatinginn ang dalawang pulis. “ Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip,e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihiphip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. “Dadalhinko siguro sa kabisera,Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.” Wali ni papag sa loob ng istaked at maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. “Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. “Patayin na rin ninyo ako, Presidente,” Paos at bahagya nang marinig si Tata Selo. “Napatay ko po ang kabesa. Patayin na rin ninyo ako.” Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Pumasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di-pangkaraniwang hayop na itinatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal ai si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglalakad si Tata Selo. Halos buhatin siya ng dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit nanagkaroon ng lakas si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng alkalde. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. “Hindi ka sana naparito, Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!” Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinapaglipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. “Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na… bayaan mo na. Umuwi ka na anak. Huwag , huwag ka nang magsasabi…” Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao. “Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basing sako, hindi nga halata.” “Ang anak, dumating daw? “Naki-mayor.” Sa isang ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya. “Tata Selo… Tata Selo…” Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaaninaw ng mga luhaan niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya. “Nando’n, Amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, Amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bat’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot at bantulot na sumunod……. Mag-iikaapat a ng hapon. Papahilig na sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting; ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila laging nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapuling sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinukuha na sa kanila, lahat ay! Ang laha ay kinukuha na sa kanila.

http://jeszicabanayan.stormpages.com/salupa.html

                                   :Pagninilay

        Sa kwentong ito ako ay hindi masyadong nasiyahan sa nangyari sa buhay ni layo na kung saan sya ay namatayan ng magulang at sa mga pagkakataong dinanas nya. ngunit sa kabila ng mga pangyayari nakamit nya ang isang bagay sa kanyang buhay  ngunit sa kabila ng kanyang pagkamit ng masasabi nating tagumpay ay lungkot din ang nanaig sa bandang huli. at aking masasabi ay hindi nating masasabi na tunay na tayong nagtagumpay kung may hinanakit parin tayo sa ating sarili.

No comments:

Post a Comment