Friday, March 15, 2013

Marso 15, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   


Ngayon ang huling araw ng aming eksam sa ika-apat na markahan  :) .. at  ngayon din kami nagkaroon ng isang programa sa Filipino para sa bibigyan ng award sa Ginawa naming proyektong Palabas kung sin0-sino ang magagaling na artista na nagsipagganap at nagkaroon din ng pagaaward sa sa gumawa sa amin ng Blog at syempre hindi ko inaasahan na mabibigyan din ako ng award, Blog ko yung napiling "Pinaka kaakit-akit at maayos na Blog" :) natuwa naman ako dahil nakatanggap ako ng award. Maraming salamat sa aming Guro na si Mrs. Marvilyn Mixto. :)
     

       

Thursday, March 14, 2013

Takdang-aralin






Sanaysay




Larawan ng Aking Ina :)


Marso 14, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Unang araw ng aming exam sa ikaapat na markahan medyo mahirap ang tinest namin lalong lalo na ang Chemistry at MAPEH haha duguan ba ! pero sa EP at Filipino naman ayos naman nakasagot naman ako ng maayos kahit papaano J







Marso 13, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Natutwa ako sa oras ng Filipino naming dahil ang pinagawa sa amin n imam mixto ay kung sa loob ng isang taon na pagiging guro nya sa amin sa asignaturang Filipino ay anu yung mga positibo at negatibong ugali na masasabi naming sa kanya . at nung banding huli nung tapos na ang oras n imam doon ako na twa dahil huling huli kaming nag break dahil inisa isa kami n imam mixto kung ano naman ang masasbi nya saamin at nakaktuwa yung ibang komento nya sa aming mga kaklase yung mga paguugali naming sa oras nya antagal natapos pero ayos lang masaya naman kami nakikinig sa mga komento nya sa amin pero ganun paman hindi ko makaklimutan si Ginang Mixto sa nagging mga guro ko dahil isa sya sa nakilala kong mahusay na guro. J at sa aking paguwi naman ay  pagkatapos ko kumain akoy nag review dahil test na naming bukas sa ikaapat na markahan.

Marso 12, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Hapon nanaman kaming umuwi karamihan ng III-1 dahil tinapos na naming ang Mural painting dahil pasahan na bukas . habang ginagawa naming nagkakasiyahan naman kami . at si chel naman ako at si patricia ang lalakas ng trip namin nagkukulitan at nagpapahidan ng brush garabe pagod tuloyn ang inabot .

Marso 10, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Araw ng lingo kaarawan ng aking tito na nasa barko pinapunta kami sa bahay nila dahil ipinaghanda sya ng asawa niya  pinakain kami doon  gabi nadin kami nakauwi ng bahay.

Marso 9, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Ngayong araw ng sabado inasikaso ko ang Blog ko nagupdate ako at nagtype ng napakaraming Diary kaso hindi pa tapos marami pa kasi kaya hindi ko natapos ng isang araw sa mga susunod naman.

Marso 8, 2013

Mahal kong Talaarawan,

  Uwian  sa skul nagkantahan pa kaming magkakaklase sa octagon na upuan habang naggigitara si nemuel kumakanta kami ang saya ng kantahan kasi si function nakakatawa  gumagawa ng kanta tung sa aming mga kaklase at nageenjoy naman kami. Nung naguwian naman sila kami naman nila chel at galves nasa stage naka upo si galvez naman naggigitara . sabay sabay kami umuwing tatlo naglakad kami pababa ng barangay at habang naglalakad kami  nagkkwekwentuhan kami tatlo J

Marso 7, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Hindi muna kami nagsiuwian dahil ginwa ulit naming yung Mural painting sa TLE at hinintay ko din si chel dahil gumagawa sila  at nagpraktis din kami ng aerobics para sa mapeh kinabukasan . at nakakainis ngalang sa aking paguwi yung bag ko nalaglagan pa ng dumi ng ibon at ito naming si chel at noimie nang aasar pa lakas talaga ng trip.

Marso 6, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Araw ng Sabado Pumunta ako sa bahay nila ate Robles kasama ko yung mga ka grupo ko sa TLE ginwa namin yung Mural painting namin sa TLE at pagkatapos naman namin gumawa pumunta kami ni chel sa district office ni Puno kumuha kami ng Stub.

Marso 5, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Nung oras ng MAPEH ako’y pagod na pagod , hingal na hingal halos hindi na ako makahinga kasi sinamahan ko si canchela pumunta kami sa bahay nila hinintay kasi nya yung magdadala ng Compilation nya sa Mapeh naiwan nya kasi ngayon kasi ang pasahan kaso ang tagal ng inutusan nya hanggang sa pumunta nalang kami sa bahy nila at hindi alam ng guard na lumabas kami bali nag madali kami ni canchela tumakbo kami ng mabilis yun ang dahilan kung bakit ako hiningal at parang halos hindi na makahinga pagdating sa silid grabe L . Nung uwian naman hindi muna kami umuwi ni chel dahil sinamahan muna naming si Chingu si Noimie J ininterview na kasi sya sinoportahan lang namin at pagtapos na sya interviewhin saka kami umuwi sa bahay.

Marso 4, 2013

Mahal kong Talaarawan,


Nung oras ng Values naming nagenjoy ako sa ginawa namin nanuod kasi kami tungkol sa kambas ng lipunan kung saan may isang lalaki na nagpinta ipininta nya yung mga batang dumaranas ng hirap at akoy naawa sa kanila . at sa pag uwi  
Anung oras nanaman kami nakauwi ni chel hinintay pa kasi naming c jayvee  nag SR sya Sipiritual reading. Kami naman habang naghihintay kain kami ng kain ng mangga ni chel at kasama rin namin si Danica tapos nakakainis pa yung tindera sa canteen hindi naintindihan tapos sya pa galit.


   

Marso 3, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Nagchurch ako ng alas dyis ng umaga paguwi ko naman mga magaala una na ata agad akong naglunch gutom na kasi ako at maya maya nakimovie marathon ako sa pinapanuod ni papa nanunuod kasi sya hindi ko alam yung mga title ng pinapanuod haha ..

Marso 2, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Wala nanaman ako ginwa kundi manuod lang sa telebisyon at mag text pagtapos ko gumawa ng mga takdang aralin ko..  nakatambay lang ako maghapon sa bahay nakakatamad -__-

Marso 1, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Araw na ng exhibit namin sa TLE excited kasi yung mga painting ko makikita nila haha nakasali kasi yung akin yung abstract, on the spot at mixed media :D haha .. ayun nung nag exhibit kami ansya  namangha talaga ako sa mga gawa naming painting lalo na sa mga classmate naming magagaling mag pinta ang gaganda ng gawa nila  bukod sa mga painting naman pinasok naming yung room sa likod  g stage me exhibit din dun me pang automotive, sewer, at cosmetology nandun din yung ibang mga gawa ng ibang schoolmates naming nakakamangha din yung gawa nila kaya nag enjoy ako sa exhibit naming.. nung uwian naman hindi pa kami umuwi ni chel tumambay pa kami sa school nakakatawa pa si chel nauntog sa bakal habang nakatambay kmi nila sairah at amor kasi nag dedemo sila hindi nya nakita yung bakal nauntog tuloy sya haha ang saya nga  ng araw ko eh kulitan kay chel at kwentuhan kela sairah pag uwi naman naming kasabay naming si sairah naglakad kami pero hindi kami dumaan pababa ng school sa me papuntang ruhat kami dumaan at nakita kopa yung papa ni anu  .. pag dating ko sa bahay nag pahinga agad ako at humiga napagod kasi.

Pebrero 28, 2013

Mahal kong Talaarawan,
   
      Nag quiz kami sa math . at nung mapeh time nag role playing kami bawat grupo nag present about problems of teenager yung role playing namin ang saya nakakatawa yung ibang grupo nag enjoy ako kakatawa sa English naman nag grupo grupo kami para pag usapan yung prepresent naman naming na balitaan  bukas  bali naghanda kami para naman sa English. Kaya nung uwian pumunta kami nila Garcia kela canchela para gumawa ng ibabalita naming sa grupo habang gumagawa naman kami nagkantahan muna kami. Pagtapos naming pumunta kami school kasama ko naman si canchela  me praktis kasi cla sa choir tapos ako naman hinihintay ako ni chel sa school nakita ko sya kasama yung iba kong kaklase at si sir espina nagdidikit ng mga painting para sa exhibit bukas pinatulong nadin ako ni sir para mabilis matapos maya mya umuwi nadin kami ni chel pagtapos naming tumulong.

Pebrero 27, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Pag pasaok ko sa room tinanung ko agad si Galvesko nakuha nya yung eco bag ko nagkapalit kasi kami e yung kanya yung nadampot ko kaya nauwi ko yung kanya hindi yung akin kinabahan ako grabe kala ko hindi nya kinuha yung bag ko buti nalang kinuha nya. Pag-uwi ko ng bahay nanuod naman kami ni ate ng Paranormal activity 4  movie marathon kami nakakatakot takutan kami haah pagtapos ko nman manuod ginawa kona yung mga homeworks ko pati nagpaint ako ng on the spot .

Pebrero 26, 2013

Mahal kong Talaarawan,
 
   Nalate ako  sa pagpasok sa school dumating na ko na nagtuturo na s imam norbie e pnu kasi tinanghali ako ng gising at mabagal paman din ako kumilos :D  napuyat din kasi ako nung kinagabihan. sa room naman antok na antok ako kya nung uwian umuwi agad ako sakit kasi ng ulo ko pagdating sa bahay kumain at natulog ako.

Pebrero 25, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   
  Ayan nagrecord na kami Final na .10am ang usapan pero antagal naming nag antay sa iba mga 12 na kami nakapagsimula . nakapagdownload na din kami ng minusone at sinubukan na naming magrecord gumanda naman ang pagrerecord naming kaso paulit ulit nga lang kami pasaway kasi yung iba puro tawa pero naayos nadin yung nirecord naming at mageedit nalang kami. Mga 2:00 ako nakauwi sa bahay paguwi ko umupo saglit at kumain mayamaya nagpaint ako tinapos ko yung on the spot panting .

Pebrero 24, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Nagpunta kami kela canchela Birthday nya inimbitahan kami bali pumunta kami yung ilang mga kaklase nya 1:30  ang time. Kasabay ko pumunta sila Fatima.chel at clado .. una hinintay ko muna sa me tapat ng lacolina si chel at pinuntahan naming si Fatima at pupuntahan naming si clado haha grabe lakad lang kami  bali kaming apat sabay sabay pumunta ng school at doon kami naghintayan . at pumunta na kami kela canchela ako, si Raimchelle, clado,Fatima, sharlyn , merin a, momongan . pagdating namin sa bahay nila nagkantahan kami at nakakatuwa si clado ayw paawat kanta ng kanta haha ang saya ng birthday ni canchela tawanan kami maya mya dumating si album at Antonio sumunod din si Megs bali medyo madami nadin kami ayun tuloy parin ang kantahan umingay lalo kanyakanyang trip kami .. maymaya nagsikainana na kami di parin nagpapaawat si clado kaya tawa kami ng tawa sa kanya haha.. mga 5:00  nagsiuwian nakami sabay sabay kami umuwi .Pagdating ko ng bahay umalis sila mama ako lang ang naiwan at nagpahinga naman ako .

Pebrero 23, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   
 Sabado wala kong  ginawa kundi humiga at magtext lang at nagsoundtrip maghapon at kumain nakakatamad kasi ahaha.

Pebrero 22, 2013

Mahal kong Talaarawan

      Biyernes na at nagshooting nanaman kmi paguwi doon ulit kami sa school nagshooting tinapos nanamin  lahat  kahit maulan tuloy parin kami at pagtapos namin magshooting pumunta kami kela canchela para magrecord nanaman ang pangit kasi ng tunog ng narerecord naming kaya paulit ulit kami naggigitara si cagas hindi parin maayos kaya nagpadownload nalang kami ng Minus one ng What makes you beautiful tono ng kanta namin habagng pinadownload naming yung kanta nagkantahan naman kami kela canchela hanggang sa hindi nanaman naming nagawa magrecord sa lunes nalang wala naman pasok kaya nagkantahan nalang kami . J

Pebrero 21, 2013

Mahal kong Talaarawan,

     Unang Subject naming ay Chemistry Dahil  may activity kami  pumunta ang unang grupo naming sa science Laboratory ang sya nung ginawa naminyun gumamit kasi kami ng mga gamit sa paggawa ng anamin kaso yung grupo naming kami nila canchela ako at Noimie hindi nakatapos sa pag sagot nag time na kasi haha pero masya yung experience din namain makahawak ng mga gamit sa laboratory apparatus . Pagtapos naman ng Klase naming uwian naghintay ang grupo naming para sa praktis kaso hindi natuloy may praktis kasi si cagas para sa choir nila at wala din yung iba kaya hindi natuloy kaya sinamahan nalang naming ni noimie si chel pumunta sa heaven’s gate para naman sa praktis ng grupo nya nanuod nalang kami sa mga shooting nila :D at nung matapos sila sumama naman ako pati sai chel papunta kela sairah para magedit ng gawa nila  una pumunta muna kami kela clado sasama din sya at sabay sabay kami kela sairah pumunta para mageedit na sila . habang nandun kami kela sairah hindi naminnaiwasang magtawanan habang nag kwekwentuhan haha gabi na kami nakauwi ni chel mga 6:30 na . kaya ayun pagdating ko pagod kumain at natulog na.

Pebrero 20, 2013

Mahal kong Talaarawan,

     Sa klase naming nag enjoy ako  sa subject ng Filipino kasi ang ginawa lang naming ay pinanuod samin ni Mam Mixto yung mga natpos naming proyekto yung paggawa ng Short Film bawat gawa ng grupo pinanuod saamin . nakakaenjoy kasi yung ibang part ng palabas ng ibang grupo ay nakakatawa at masayang panuorin :D kaya nagtatawanan kami nun J   Tapos sa uwian naman andaming nagkalat na 3-1 sa Skul parang halos lahat  ata nanduon  dahilan kasi nagshshooting kami para sa MTV :D  Tinatapos na naming lahat malapit na kasi yung pasahan kaya lahat kami nagpapraktis :D

Pebrero, 19, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Nakakatuwa Dahil yung painting ko na abstract ay napili . Pina interpret kasi samin yung mga gawa naming at binigyan naman ng title at yung Title ng abstract ko ay Hopeless romance binase ko lang naman sa painting ko haha tapos andaming nagcomment sa title ng abstract ko na me halong pangasar pa ay naku :D  at ayun napili yung akin kasama sa exhibit J  Nung uwian naman meron ulit praktis sa MTV kela noimie recording ulit kami sinubukan namin naka Microphone baka sakaling maganda  pero sa huli parang hindi parin maganda  pagrerecord kaya uulitin nanaman naming siguro .

Pebrero 18, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Pagalis ko ng bahay para pumasok sa school maliwanag na maliwanag na natakot ako baka malate ako at wala pa akong masakyan na tricycle buti nalang meron pa akong nasakyan. Pagdating ko naman sa roon buti nalang ala pa si mam Norbie absent pala sya kaya daldalan nanaman kami . tapos wala parin kaming second subject :D  tapos si sir espina Nakakainis talaga si sir :D  gumawa na kasi kami ng abstract painting nakita nya yung gawa ko e me black nanaman bakt daw ako umiiyak tapos tinanung nya si.. anu daw ginawa sakin haha pang asar talaga si sir adik ! J

Pebrero 17, 2013

Mahal kong Talaarawan,

  Linggo  walang Pasok si Ate . inayos nya yung computer hindi kasi mabukas  at nireformat nya nadin ..  naayos naman ni ate  banding hapon naman  lumabas muna ako ng bahay nakipagkita ako sa mga kaibigan ko . tapos paguwi ko ng bahay sinubukan kong bukasan yung computer hindi nanaman bumukas kala kopanaman ayus na bumukas nanga kanina taposhindi nanaman bumukas nakakaasar tuloy . Kaya nagPainting nalang ako ginawa ko yung animalist  at dumating si ate sinabi ko na hndi nanaman bumukas yung computer sabi nya kelangan bumili ng bagong hard disk hindi na kasi nadedetect naasar talaga ako hindi tuloy ako makapagupdate ng blog.

Pebrero 16, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Sabado Praktis nanaman at magshoshooting doon ulit kela cagas kaso pagdating naming iilan lang kami nagsipunta iilan lang na babae at wala ni isang lalaki ang pumunta kaya ang ginawa lang naming pinratis naming ulit yung pagkanta at sa pagkanta naming yung kuya ni cagas ang naggigitara at sya din yung kumakanta para sa linya ng lalake . ayun lang ang nagawa namin nainis nga kami sayang yung suot namin nagsuot panaman kami ng maganda para sa shooting tapos hindi nagsipunta yung iba hais .  kaya kami nila Maricar, Bnares at ako pumunta kami kela Fatima nagkantahan kami doon :D
 

Pebrero 15, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Araw ng Biyernes Tamang tama wala parin kaming Pasok  Mayroon naman kaming shooting para sa MTV naming sa EP 10:00 ng umaga . doon kami nagshooting kela cagas sa francisville pero ang ginawa palang naming ay pinraktis yung pagkanta at sinubukan din naming magrecord. Pero sandali lang naming nagawa andyan kasi yung ate ni cagas . kaya bukas nalang ulit naming ipagpapatuloy. bago umuwi pumunta muna kami sa me bahay nila cagas mayroong Pisonet kasi sa kanila sa tabi ng bahay nila nag bukas muna kami ng Facebook pati ng twitter.. At sa paguwi naman sabay kami ni Fatima grabe sobrang inet pagdating ko ng bahay humiga agad ako at nagpahinga hanggang sa nakatulog na ako . Paggising ko naman nanunuod sila mama ng Movie yung kay Jackie chan kaya nakinood nadin ako . Maaga ako natulog kasi bukas may pasok na.

Pebrero 14, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Valentines na ! :D  Gumising ako ng Maaga ! ng Masaya ! haha . Binati ko Si Mama at Papa ng Happy Valentines Day . Natuwa sila  J
  Ginawa ko lang Naghintay lang ako hanggang sa magayos ng sarili may lakad kasi haha.. Pumunta kami ng Luneta . mga 1:30 na ng hapon kami nagpunta doon   medyo matagal tagal din pala ang byahe.. pagpunta namin sa luneta nagLakad lakad kami sa Luneta Park ang ganda at nagpicture picture kami :D ..  umupo kami sa isang tabi at nag usap usap . Bandang 4pm nagutom kami kaya pumunta kami sa MCDO kumain kami doon at bumalik kami pagtapos sa Luneta park ganun parin ang ginawa namin naglibot libot Maggagabi na kami umuwi at sa paguwi namin medyo nagdidilim na kaya nag LRT kami para mabilis kaso pag sakay naman namin ng pacubao  ang traffic ginabi natalaga kami . Pagdating ko sa bahay mga 8pm na buti nalang hindi naman ako pinagalitan ni Mama.  Ayun paguwi ko ang saya ng araw ko J sobrang saya ! J

Pebrero 6, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Wala kaming Math wala si Mam Norbie  kaya nahintay nalang kami ng secong subject
 Ang ginawa naming sa mapeh ay nag grupings at naka 90 ang gupo naming. Ang ginawa naman naming sa English  ay nag grupo grupo tas ipapaliwanag naming yung topic naming tapos bawat grupo  may magpapaliwanag na miyembro. Sa Filipino naman ay tinlakay naming ang akdang Bangkal Papel . Nag Demo naman si Heide ng susunod naming ipapaint ang Mixed media at bukas magsisimula nakami gumawa ng Mixed media . Nagdiscuss naman kami sa Ap at chemistry.

Pebrero 5, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Wala kaming Klase lahat ng section 1 pero iilan lang ang nagklase. Nagpunta kami sa Ynares  48 ang bilang ng section 1 ang nagsipunta “Science Fair”  ang meron doon na kung saan meron ding nagpuntang ibat ibang school may kinalaman kasi ito sa projectnamin sa chemistry yung SIP (Science investigatory Project) nagpunta kami doon para magkaroon kami ng Idea sa paggawa naming sa project. Nung magpunta kami doon  angsaya sa jeep ang ingay namin tas pagdating naming sa ynares nung hindi pa kami pinapapasok lahat nagpicturan kami doon habang naghihintay kami papasukin. Kami nman nila flaviano, raimchelle, maricar, banares pumunta kami sa jollibee bumili kami ng makakain nagutom kasi kami at nung pinapasok nakami binigyan kami ng card para sa exhibit at ng bag .  Namangha kami sa mga naobserbahan namin mga experiment ng mga estudyante na magagaling sa science ang nakita naming ginawa nila . Pagtaposng science fair pumunta kami nila banares, cagas raimchelle maricar, Fatima, lita, medel at Garcia sa Victory Mall. Nalibot libot kami doon at bumili ng Mcfloat sa MCDO nagkwentuhan kami. At maya maya umuwi nadin kami naglakad kami papuntang sakayan at paguwi ko natulog ako napagod kasi . at paggising ko nanuod at nagtext lang ang ginawa ko.

Pebrero 4, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Nag activity kami sa Math . pagtapos ng math period wala kaming second subject wala si kasi si mam Tayamora kaya naghintay nalang kami sa susunod na teacher na papasok ayun maingay kanya kanyang daldalan kami :D English time naman nagtest kami tungkol sa Bibliography at tinalakay parin naming ang akdang himala at yung kanta din na Himala . Sa TLE yung mga tapos na sa painting tinignan ni sir espina at pinaayos  yung ibang gawa tapos mamimili si sir kung ano yung isaama sa exhibit. Sa AP time naman nag discussion lang kami ganun din sa chemistry at nagkaroon kami ng seatwork. Pag uwi ko naman sa bahay kumain ako at natulog antok na antok kasi ako sa school saka ko ginawa yung mga assignments ko paggising ko.

Pebrero 3, 2013

Mahal kong Talaarawan,

  Gumising ako ng 8am kumain ng almusal at nagayos mga 10am umalis kami ni ate nagchurch kami ,. Pagkauwi naming mga tanghali na kumain kami ng tanghalian tas pag tapos si papa nanungkit ng mangga sa puno naming tinulungan ko sya ako yung taga pulot . pagtaps ni papa manungkit kumain kami ng mangga ilang mangga din ang nakain ko nabusog ako sa mangga . mayamaya natulog ako  tas paggising ko ginawa kona yung mga assignment ko pagtapos wala nako ginawa nanuod nalang ako at nagtext. Maaga din ako natulog me pasok na kasi bukas.


Pebrero 1, 2013

Mahal kong Talaarawan,

        Pagpasok ko ng room nakasabay ko pa si ……. Tapos yung iba ko naming kaklase inasar kami :D. magsisimula na sila magtest sa buti nakaabot pa kami  tapos nag PE kami tinapos naming yung hindi pa naming natatapos sa PE . Nagspeech maman sila Noimie, Bien, Flaviano,reulo at Fatima. Inulat naman naming yung pangkatan na takdang aralin naming sa Filipino. Nagdiscuss naman kami sa TLE hindi muna kami nagpainting . at may test naman kami sa AP binigay naming yung kahulugan na binigay n imam Cabrera sa papel naming ito ginawa. Nag activity naman kami sa chemistry. At nung uwian nag shooting naman kami sa Filipino tinapos naming lahat nakauwi kami hapon na. Sa bahay naman nagpahinga ako at nagcomputer tas nanuod kami ng movie na sinister nakakatakot at matapos ko panuorin yung movie kumain ako at gumawa ng Takdang-aralin.

Enero 31, 2013

Mahal kong Talaarawan,

  Bago kami maglesson sa math me mga announcement munang sinabi si mam norbie. Sa mapeh nagrecitation kami tungkol sa tinest naming . sa English tinalakay naming ang Bibliography. Sa Filipino naman nanuod kami ng ilang pangyayari sa palabas na himala . at sa TLE nagpainting kami yung nature at nung nakita ni sir yung painting ko  me nasabi sya sa painting ko e kasi karamihan sa kulang ng painting ko ay black sabi ni sir ang lungkot daw bakit daw ako malungkot haha e kasi pag marami daw black ang painting me ibig sabihin daw ay malungkot  natatawa ako kay sir e kung anu-ano pinagsasabi :D pinagawa naman kami n imam tayamora ng isang sanaysay tungkol sa gusto naming maging buhay sa 5 hanggang 6 na taon . at me nagobserve naman saamin sa time ng chemistry .

Enero 28, 2013

Mahal kong Talaarawan,

 Sa aming klase inantok ako  lalo na nung oras ng AP at Chemistry haiss ! wala akong naintindihan
Haha kaya sa aking paguwi natulog ako agad . bagsak na bagsak na yung mata ko.

Monday, March 11, 2013

Enero 27, 2013


Mahal kong Talaarawan,

       Linggo araw nanaman para magsimba , Maaga akong nag simba kasama ko ang aking Ate nag simba kami sa Victory sa robinson ang saya super blessed ako ! at sobra akong nakarelate sa testimony ng pastor :) pag-uwi namin ni ate kumain muna kami sa MCDo Guton nakasi kami di na namin matiis haha paguwi namin sa bahay natulog kaming dalawa napagod daw ba? :D

Enero 26, 2013

Mahal kong Talaarawan,

  Sabado Taping dapat naming sa Filipino kaso hindi natuloy yung pangunahing tauhan kasi samin wala kaya hindi kami makakapagtaping kaya nagpraktis nalang ang grupo namin ang pagkanta para naman sa MTV na project naman naming para sa EP pero hindi ako pumunta sa praktis ng pagkanta sumama ako pati si clado kela sharlyn pumunta kami kela medel gumagawa kasi sila ng SIP nila inabot ko din yung pintura na pinabili ni orga at momongan . nanuod lang kami ni clado sa ginagawa nilang SIP nakakatawa nga lang kasi minsan palpak yung pagluto nila paulit ulit sila hindi nila maperpek nahirapan kasi sila iluto yung SIP nila. Maya maya mga 4pm umuwi na kami ni clado. Pag uwi ko inasikaso ko na yung painting ko yung puno na painting bukas na kasi yung pasahan nun.

Enero 25, 2013

Mahal kong Talaarawan,

     Pagtapos ng klase namin nagpunta kami nila chel , jayvee at baluyut sa sta. lucia birthday ksi ni baluyut kaya pumunta kami doon. Pagdating naming Sa sta.lu naglibot libot kmi at maya maya kumain kami sa food court hindi panaman  kami kumakain ni chel ng tanghalian kaya gutom na utom na kami . tapos nagpunta kaming world of fun  nag enjoy kami doon sumakay kami ng mga rides at naglaro ng mga vedio games at naglakad lakad kami sa mall at uminon ng Mcfloat at nagkantahan kami . pagta;pos nun umuwi na kami hapon na kasi baka gabihin kami . paguwi ko nagpahinga ako at nakatulog akomsa sofa napagod kasi ako nagising nako mgama alas otso ng gabi bali paggising ko kumain na agad ako ng hapunan . at nanuod ng tv,. Nag computer at nagtext l;mng ang ginawa ko at natulog ako nga alas dose na.

Enero 24, 2013

Mahal kong Talaarawan,

   Pagpasok sa school sobrang lamig ng panahon . sa sobrang lamig giniginaw ako paglabas ng bahay sa pagpunta sa school. At pagdating ko nag long test kami sa Math . Gumawa naman kami ng activity sa mapeh yung pinadala samin materials ay ginawa naming ngayon . at isinagawa naman namin ang group presentation na pinahanda ni sir inahid na ngayon ang paguulat. At sa grupo namin kami yung nakakuha ng mataas na grade. Sa Filipino naman pinagawa kami ng isang sanaysay. At sa TLE naman pinatapos lang ni sir espina yung pagpapaaint naming sa prutas at sa susunod Nature naman ang iapapain namin Sa EP Gumawa kami ng komiks istrip. At sa chemistry naman nagdiscussion lang kami. Uwian Hindi muna kami umuwi ni chel me taping pa kasi ang grupo ko nagsimula na kami magtaping para sa proyekto naming sa Filipino yung gagawa kami ng maikling palabas kaya hinantay pa ako ni chel. dun kami una nag taping sa bahay nila canchela at nung matapos na yung taping namin nakakainis yung aso nanahol nagulat ako kala ko kakagatin ako napatakbo tuloy ako muntik pa akong matalisod ! >.<  at paguwi ko naman ng bahay nagpahinga at kumain at maya maya nag gitara ako pinagaaralan ko na maggitara. At pagtapos nun natulog ako wala naman kami takdang-aralin sa lahat ng subject kaya paggising ko nanuod lang ako at nagtext ang ginawa ko hanggang sa matulog ako.

Enero 23, 2013

Mahal kong Talaarawan,

       Wala kaming first period kaya hinantay nalang naming yung second period naming yung MAPEH at sa time ng mapeh nagkaroon kami ng recitation tungkol sa inactivity naming kahapon yun lang ang ginawa naming buong period. Sa enligh tinalakay naming ang Old English prayer diniscuss naming ang nilalaman ng akda na iyon. At sa Filipino iniulat naming ang pangkatang takdang-aralin namin tungkol sa Banyaga. At nung time ng TLE wala si sir Espina at me nagbantay lang ng ibang teacher saamin pinagpatuloy lang saamin yung pagpapaint. Sa AP hindi natuloy yung debate wala kasing nag research  tungkol sa pagdedebatehan naming kaya nag discuss nalang kami buong period. Sa Chemistry naman nag discuss lang din kami ng Topic. At nung uwian nag stay pa kami ng ilang minuto sa school kasi wala pa si kuya pong yung lagging sinasakyan namin pag umuuwi kaya naghintay muna kami . at sa bahay naman pagkadating ko kumain ng tanghalian at gumawa ng mga takdang-aralin saka ako natulog mga maggagabi nako nagising  .

Enero 22, 2013

Mahal kong Talaarawan,

    Bago kami pumasok sa iskul ni verbo Nagpatila muna kami kasoi umuulan. At pagdating naman naming sa room nandun na s imam norbie nag tuturo na pero kauumpisa lang naman . Nagkaroon kami ng quiz sa math at naka 10 pointa ako out of 10 . Sa subject naman ng MAPEH  nag Activity kami tungkol sa Contributions ng natalakay naming dati sa arts. At sa English nag quiz din kami by group nga lang pero individual ang pagsagot  pero ok. Lang daw kung by group ang pagsagot tungkol ang quiz naming sa indirect to passive. At sa Filipino naman tinalakay namin ang nilalaman ng akdang Banyaga. At sa TLE naman nag Paint kami ng mga prutas. Nung AP nagpasulat s imam Cabrera ng lesson habang nagpaparecite ng preamble at nung chemistry naman bagong topis ang tinalakay naming tungkol sa sa solution at solute. At uwian hindi muna kami umuwi kaagad dahil binalak naming mag recite na ng preamble nila Raimchelle at Danica. Nung magrecite na kami Grabe nautal kami at nakalimutan din naming yung iba kaya pareparehas kaming naka kuha ng 95.  Pag uwi ko kumain agad ako kasi gutom na autom nako at pagtapos nun natulog ako inaantok kase ako kanina pa sa school.  At pag gising ginawa ko yung mga takdang-aralin at  kumaen at natulog pagtapos.

Enero 21, 2013


Mahal kong Talaarawan,

   Ngayong araw naghintay kami ng matagal ni Raimchelle sa Skul  after ng klase namin Hinintay kpa kasi naming si Jayvee bakla nag SR pa kasi sya mga alas tres pasado na nung makauwi kami. Pero habang naghihinntay naman kami ni chel nagkwentuhan muna kami sa me skul doon sa octagon para di kami mainip kung anu-ano pinaggagagawa naming tawanan, asaran at labas pasok sa skul. Bumili kami ng Hotdog pagtapos cheese stick tas mayamaya onti nag shomai kami tapos nag quek quek tas banding huli nakaramdam kami ng busog hindi naming naubos yung quek quek :D pumasok ulit kami sa school umupo at mayamaya andyan na si jayvee umuwi na kami pag uwi ko kumain nako ng tanghalian . at natulog at paggisning gnawa ko na ulit mga takdang-aralin .

Enero 20, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Linggo ito ang pinakamasyang araw na nangyari saakin ! Pumunta kami ng ENCHANTED KINGDOM ! :) Maaga palang nag gayak na kami ng aking ate gumising kami ng alas sais ng umaga . at alas otso naman umalis na kami pumunta kami sa Antipolo doon kasi magkikitakita at doon din kami sasakay sa service sinaman ako ni ate sa pagpunta nila ng kanyang katrabaho sa enchanted sumama din yung pinsan kong lalaki si ken. Sa Ban naman na sinakyan namin hindi ko inaasahang mahihilo ako para nakong susuka dahil nadin siguro sa marami kami sa loob ng sasakyan habang papunta kami sa Enchanted Tiniis ko yung Hilo sa loob ng sasakyan at ayon pag dating naman namin sa Enchanted kingdom dinatnamn naming magbubukas palang ito agad kaming pumila para makapasok ang haba rin ng pila medyo matagal kami nagantay at napaka init pa  habang naghihintay naman kami naman kumukuha ng mag litrato .dumating kami malapit ng magtanghalian. Nang makapasok na kami sa loob bakas sa aming mga mukha ang sabik na makasakay sa mga rides kaya agad kami sumakay unang una namin munaa sinakyan ay yung bomb car

Enero 19,2013

Mahal kong Talaarawan,

      SAbado kuhaan na ng aming Card ! Sabik nako makita ang mga grade ko me halo ngalanmg kaba dahil baka meroong bumaba sa mga grade ko pero nang makita ko naman kontento naman ako sa naging resulta natuwa naman ako kasi tumaas ako sa ibang asignatura.

Enero 18, 2013

Mahal kong Talaarawan,

     Wala kaming unang Guro Dahil wala si Mam Norbie dahil laban na kasi ng MTAP kaya medyo matagal ang oras bawat asignatura. gayun paman nahirapan akong gumawa ng tula sa Filipino me pangkatang gawain kasi kami at pagsasamsamhin namin ang mga gawa namin , una yung gawa ko iba ang tugmaan at kulang angbilang ng pantig kaya nagbago ulit ako nahirapan ako magisip buti nalang sa huli nakayanan ko at nakagawa naman ako ng maayos tiwala lang :D

Enero 17, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Nakakatuwa yung araw na ito lalo na sa subject na Filipino Pinagawa kasi kami ng isang sulat para sa aming mga magulang matapos namin alamin ang akdang tinalakay namin at sasabihin namin ang mga saloobin namin o yung nais naming sabihin sa kanila , nakakatuwa lang kasi yung pinagawa ni mam saamin sulat para sa magulang haha kaya yung aking sulat parang ayaw ko ipabasa sa magulang ko kasi nahihiya ako:D

Enero 16, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Ngayong araw sa school antahimik ko ewan ko ba kung bakit wal ako sa mood makipag-usap sa aking mga kaklase o makipagdaldalan. nung uwian naman ang ingay ko ang lakas ng Trip ko kay chel hayss ! para yata akong baliw haha :D ayon medyo matagal din kami na hindi umuuwi nagstay muna kami saglit sa school at mayamaya umuwi din kami ni chel pag uwi konaman sa bahay kumain at nagpahinga ako at natulog. gumising ako gumawa ako ng mga takdang aralin sa ibat-ibang asignatura.

Enero 15, 2013

Mahal kong Talaarawan,

     Simula na ng pagtatalakay namin ng panibagong pag-aaralan namin sa ikaapat na markahan. Nung uwian hindi ko malilimutan yung pangtitrip na ginawa naming magkakaklase sa loob ng silid aralan hanggang uwian daladal namin yung kulitan ewan ko ba anu nakain namin muka kaming mga baliw lalo na kami kami nila chel at Noimie .

Enero 14, 2013

Mahal kong Talaarawan,

      Pag-uwi ko ng bahay galing eskwelahan  kumain ako at nagpahinga sandali at maya mya umalis kami ng aking mama pumunta kami sa Tita ko sa Antipolo  kinuha lang namin ang naiwang gamit ni papa at nanuod din kami ng CD na bagong bili ni Tita at pinakain kami doon ni tita at angkulit nga lang ng pinsan ko gusto nya makipaglaro saakin ng mga laruan nya ayoko sanang makipaglaro kaso hindi ko matanggihan pinipilit ako hayss .. satotoo lang nainis talaga ako nun e ayaw na ayaw ko na maglaro ng pambata ! e yung pinsan ko pilit na nakikipaglaro saakin hays! badtrip tuloy ako pag-uwi namin ni mama

Mensahe sa Pangulo ng Bansa



 Ito ang gawain namin na kung saan magbibigay kami ng isang mensahe sa Pangulo ng ating bansa .

Sunday, March 3, 2013

Bangkang Papel


Bangkang Papel
ni Genoveva Edroza-Matute
           
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
             Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
             Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...
             Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.
             Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
             Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
             Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.
                        Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
             “Inay, umuulan, ano?”
             “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
             “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”
             Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.
             Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
             Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
             Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.
             “Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
             “Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
             Natuwa ang bata sa kanyang narinig.
             Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng tubig.
             Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:
             “Siya, matulog ka na.”
             Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
             “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
             “Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.
             Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.
             Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...
             At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...
             Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.
             Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
             Pupungas siyang bumangon.
             Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
             Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
             Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
             Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
             Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
             Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
             Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
             Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
             Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
             Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
             Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
             Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
             “Bakit po? Ano po iyon?”
             Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
             Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
             “Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”
             Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.
             Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
             Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.
             Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
             Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.
             “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”
             Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
             “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”
             Samantala...
             Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.
             Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
             Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

Kinagisnang Balon


Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki’t matandang balon. 2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. 3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa. 4. Anupa’t masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. 5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. 6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito’y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala’t pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi. 7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. 8. “Noon pang panahon ng Kastila,” anang matatanda. 9. “Hindi pa kayo tao, nandiyan na ‘yan,” giit naman ng iba. 10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya’y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas. 11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na kolera. 12. May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa ang mausisa. Basta’t iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento! 13. Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may malignong lumilitaw sa may balon. 14. Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka, makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon. May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan. 15. At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang makasal nang di oras ang dalawang “maligno” na walang iba kung di ang tanging biyudo’t pinakamatandang dalaga sa Tibag. 16. Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon naglalaba’t naliligo ang mga dalaga’t kababaihan. Kung naroon na ang mga dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik ng mga babae, harutan ng mga dalaga. 17. Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin pa rin ng mga anak naman nito. 18. Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong ng banga ng inumin, balde o golgoreta. 19. Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram ng mga talagang nagpapaigib sa mula’t mula pa. Ito ang mga pamilyang kung nagpipista ay siyang pinakamaraming handa’t bisita, mga nagiging hermano o punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni Tandang Owenyo. 20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas, siya’y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno at siksik daw ang katawan nito noong araw. 21. “Ba’t naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n’on pa man,” sabi ng iba. 22. “Di ba’t ‘yan ‘kamo,” dagdag ng ilan, “aguwador din?” 23. “Di ba’t ang Ba Meroy ay aguwador din?” 24. “Aba, siyanga, ano?” 25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. “Pero ‘ala pang giyera,” pilit ng iba, “umiigib na ang Tandang Owenyo.” 27. Minana na niya ang opisyong iyan.” 28. “E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba’t sa balon sila…” 29. “A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong mo.” 30. “Labandera na noon si Nana Pisyang?” 31. “Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e.” 32. “Ang Da Felisang Hilot?” 33. “Aba, e labandera rin ‘yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang anak. ‘”Yan nga si Nana Pisyang.” 34. “Tingnan mo nga naman ang buhay.” 35. “Sa Amerika ba, merong ganyan?” 36. “Pilipinas naman ‘to, e! Siyempre dito sa ‘tin, pasalin-salin ang hanapbuhay.” 37. “Mana-mana ang lahat.” 38. “Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador din.” 39. “At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera.” 40. “Pero si Nana Pisyang humihilot din.” 41. “Ow, ano ba naman ‘yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na.” 42. “Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay.” 43. “Di nga ba’t katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba’t paghahatid ng damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd.” 44. “At si Narsing nila?” 45. A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy.” 46. “Ow tama na ‘yon. Tapos ka’t hindi, pareho rin.” 47. “Si Narsing ang me ulo. Laging me dalang libro e!” 48. “Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa’t humihiram ng libro.” 49. “Minsa’y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano.” 50. “E. ano raw?” 51. “Florante at Laura daw.” 52. “Tingnan mo nga ‘yan. Sayang na bata. May ulo pa naman.” 53. “Balita ko’y ayaw mag-aguwador.” 54. “Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at sa paaaguwador mapupunta. Ba’t nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga tente bonete na.” 55. “Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa’no me malalakas na kapit ‘yon!” 56. “Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!” 57. NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga. 58. Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito. Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya. 59. Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang kanyang paghihimagsik. At ito’y may kasamang malalim na hinanakit. 60. Nagsasampay ang kanyang ina nang siya’y magpaalam isang umaga. Ang apat na alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo. 61. Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito’y naipon sa paglalaba’t sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa susunod na pasukan ng mga bata. 62. Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area, naglalakad siya’t naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong kumpanya’t pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya. 63. Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito’y me dala pang sulat na galing sa ganoo’t ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing. Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang balanang puntahan ni Narsing. 64. Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ‘’to, sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o magpiko sabi ni Narsing sa Intsik. 65. “Hene puwede,” sagot ng Intsik, “hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat ‘yan akyen lang tanim, dilig.” 66. “O, paano, talagang wala?” sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas ang kanyang boses. Para siyang galit. 67. “Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha,” sagot ng Intsik. Nangingiti-ngiti. “Akyen gusto lang tulong sa ‘yo. 68. “O sige, ano?” 69. “Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?” 70. Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera. 71. Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez. Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan, hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa pagsasamantala naman ng marami. 72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi na ’ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu’t sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan. 73. Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala. 74. Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang dulang. Habang sila’y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang kanyang ama’t ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho? 75. Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo’y nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan. Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama’t ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila’y kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong mustasa at ilang piniritong bangus. Maya’t maya ay sinasaway ng kanyang ina ang mga batang parang aso’t pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw. Habang lumalaki’t dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang at liliit ang subo ng kanyang ama’t ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila. 76. Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba’t ipinamamalantsa ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung nakikita itong pasan-pasan ang pingga’t dalawang balde na animo’y isang Kristo sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan. 77. Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay. Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya. 78. “Gayon din lamang,” mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib.” 79. May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing. Malakas at pasinghal ang kanyang sagot. 80. “Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n’yo pati ako maging aguwador!” 81. Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina’y napatakbo at tanong nang tanong kung bakit at ano ang nangyari. 82. Minumura siya ng kanyang ama. “Bakit?” wika nitong pinaghaharian ng pagdaramdam at kumakatal ang tinig. “Ano ang masama sa pag-aaguwador? Diyan ko kayo binuhay!” 83. Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama’t buong lakas na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing, Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama. 84. Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata’y umiiyak at humahagulgol na parang maliit na hayop. 85. Lumayo ang kanyang ama’t iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi. 86. Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo rin.” 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili’y magpalitan sila ng tsismis at mali-maling palagay. 88. ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga nakatayong balde at ito’y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba’y nawala sa isip niya ang ginagawa. 89. Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa pagkakasakit ng matandang aguwador. 90. Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya’y sa iba mapupunta. 91. Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon ng kanyang ama. 92. KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib. 93. Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo’y may asong kumakahol na parang nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala niya noong siya’y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo’y isang Kristong pasanpasan ang pingga’t dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman nang taniman ang bakuran nilang ngayo’y hindi na kanila’t inuupahan na lamang. 94. Maaga pa’y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya’y muling umigib. Mahapdi ang kanyang balikat. Humihingal siya’t parang hindi na niya kayang ituwid ang kanyang mga tuhod. 95. Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang mga dalaga’t kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing binyagan ang kanilang bagong aguwador. 96. “Binyagan si Narsing!” sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may nangahas na magsaboy ng tubig. Source: http://jhenpitz.multiply.com/notes/item/2 ---- ito ang pinag-aralan naming akda noong nakaraang linggo. Ito ay tungkol sa kwento ni narsing na ayaw maging isang agwador. Sakanilang lugar kasi ay sinsabing mana-mana lamang ang magiging trabaho ng mga tao doon. Dhil sa ayaw nyang maging agwador ay lumuywas siya ng maynila para humanap pa ng mas magandang trabaho dahil hndi sya naniniwala na mana mana lang ang trabaho sakanila. nang maaksidente ang knyang Ama ay may isang taong nagparealize saknya na bakit daw hndi na lang sya magtrabho at manilbhan sa kanilang nayon para maging agwador sayang naman daw kasi ang pagkakakitaan nito. dahil doon ay nahikayat si narsing na mag agwador na lamang.

Banyaga


Banyaga
Ni: Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok

Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.

Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.

"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?"

"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"

Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.

"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?"

"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."


"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako."

"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."

"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."

"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..."

"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Ang Pamana


     Ang Pamana
Ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay

Repleksyon:

   Nakakalungkot ang nilalaman ng akdang ito dahil tungkol ito sa pamana ng isang ina sa anak na malapit na itong mamatay ay ayaw tanggapin ng anak dahil gusto nyang pamana ay ang kanyang ina na mahal na mahal nya at ayaw nyang mawala.