Wednesday, January 2, 2013

Disyembre 31, 2012

Mahal kong Talaarawan,
 
     Media Noche na mamaya , sumama ako kela papa para bumili ulit ng panghanda sa disperas naman ng bagong taon. Pag uwi namin sa bahay kaming dalawa ni ate ang nagbalot ng dalawang kilong shanghai grabe nakakapagod at nakakagutom pa anung oras na kami nun nakakain mga ala una na :D pagtapos nagkantahan kami nilabas pa ni papa yung speaker anlakas tuloy ayun kantahan kami at nung nagsawa nagpatugtug naman kami at dumating yungpinsan kong si april kasama nya yung mama nya pati yung ate nya magllilinis kasi sila ng bahay ng Lolo kong namatay antagal na kasi walang nakatira doon simula nung namatay si Lolo kaya nilinis nila kami naman ni april nagkwentuhan hindi rin nagtagal umuwi nadin sila. mga 5:00 pm nagkantahan ulit kami may Laser show system pa parang nasa party :D  habang himihimtay namin yung new year kantahan muna kami at nagtugtugan at nung malapit ng mag 12:00 kasama ko yung kaibigan ko na si Angelica lumabas kami ng bahay kaya ngalang andaming nagpapaputok kaya hanggang tapat lang kami ng bahay at nung 12:00 na putukan na ang ingay na ng buong paligid Bagong Taon na !! :D nagpapaputok na yung mga atao kami naman ni Angelica nagpaputok kami ng Fountain pagtapos kainana na mga anung oras na ko nakatulog mga 2:00 ayun natulog nako.

No comments:

Post a Comment