Walang
mangyayari sa balat ng lupa,
Di
ma’y kagalingang iyong ninanasa.”
Kumislap
ang isip ng pantas na malay
At
ang sandaigdig ay naliwanagan
Nagsipamulaklak
ng dunong na yaman
Ang
nangagpunyaging paham na isipan;
At
tayo’y nagising sa bagong kandungan
Ng
pagkakasulong ng sandaigdigan!
Natuklas
ng dunog na kahanga-hanga
Ang
Atom na siyang panggunaw sa lupa;
Tila
niloob ng Poong Bathala
Na
tayo’y matapos sa sariling nasa;
Nakapabingit
na sa pagkariwara
Ang
ating daigdig na lutang sa luha!
Sa
bagong liwanag ng pagkakasulong
Ay
nangatuklasan ang lihim kahapon;
Ang
mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
Nalakbay
ang langit ng bakal na ibon,
Nasisid
ang mga dagat na maalon
Ng
taong palakang nagwagi sa layon!
Sa
bilis ng bagong nilikhang panuklas
Narating
ang buwan ng bakal na limbas;
Noon
naman unang sa buwa’y lumunsad
Ang
dalawang bunying astronauts na tanyag;
Subalit
hindi pa lubos na matiyak
Kung
ang buhay rito doo’y magluluwat.
Sa
niyanig – yanig ng mundong mabilog
Kapag
may malaking bombang sinusubok,
Ang
ehe ng mundo, ay baka mahutok
At
saka malihis sa kanyang pag-ikot,
Pag
ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahils
sa paghinto ng kanyang pag-inog!
Hindi
lamang iyan, may panganib pa ring
Ang
mundo’y matapos hindi man mithiin,
Sa
dalawa kayang malakas ay alin
Ang
hindi magnasang ang isa’y linlangin?
Mundo’y
matatapos, dapat na tantuin,
Sa
sandaling biglang ang isa’y magtaksil!
May
panganib pa rin sa bawat pagsubok
Ng
bombang may lasong buga sa fallout;
Ito
kung pumuksa sa tao’y kilabot
Higit
na mabangis sa alinmang salot;
Pag
ito’y kumalat ay katakut-takot,
Walang
mabubuhay sa buong sinukob!
Sa
ngayon, sa hanging ating nilalanghap
Ay
may kahalo nang maruruming sangkap;
Kapag
ito’y hindi nalunasan agad
Ay sa
lason tayo mapupuksang lahat;
Kung
bakit ang tao’y habang umuunlad
Saka
nalalapit na lalo sa wakas!
Nang
ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
Bagsakan
ng bombang karaniwan lamang,
Sa
dalawang pook na pinaghulugan
Ay
napakaraming nakitlan ng buhay;
Kung
ang ibabagsak ay bombang panggunaw
Dagat
na ang Hapon sa kasalukuyan!
Pag
bombang agawton ang siyang ginamit
Sa
Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
Dahilan
sa lakas na napakalabis
Ang
sangkapulua’y lulubog sa tubig;
Huwag
nawa sanang loobing ng langit
Na
ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
Ang
pag-uunahan ng dalawang lakas
Na sa
kalawakan ay magharing ganap,
Ay
nagbababalang di na magluluwat
At
tayo sa digma’y muling magsisiklab;
Maanong
loobin ng nasa Itaas
Na
huwag na sanang dumating ang wakas!
Ang
Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,
Cambodia’t
Vietnam, nag-iipu-ipo;
Ang
hihip ng hangin kapag di nagbago
Sa
apoy ng digma’y masusunog tayo;
Lalo
pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
At
saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!
Nais
na lamugin ng Maso at Karit
Kung
magagawa lang, ang lupa at langit;
Ang
Agila naman sa pagpupumilit
Na
siyang mauna’y hindi matahimik;
Bakit
ba kung sino ang sa yama’y labis
Siyang
mapangamkam, siyang mapanlupig?
Wala
pang sanggol sa kasalukuyan
Sa
pagbombang higit ang bilis sa ingay,
Kaya
kapag tayo’y biglang sinalakay
Di
makahanda nais mang lumaban;
Dahil
dito kaya dapat pagsikapan
Na
mapagkasundo ang sangkatauhan!
Hindi
nga masamang ang Tao’y
Lalo
kung may mithing dakila at tapat,
Pagkat
likas lamang sa taong maghangad
Kung
nasa ibaba, na siya’y mataas,
Nguni’t
ang masama’y ang magpakapantas
Upang
ang mabuting binuo’y iwasak!
Di
dapat gumamit ng mga sandatang
Bukod
sa pangwakas, may lasong kasama;
Idalangin
nating magkaisa sana
Ang
sangkatauhan sa mithi at pita;
Pag
tayo’y nabubuklod na gintong panata
Ang
sandaigdiga’y wala nang balisa!
Kapag
nagkaroon ng lason sa tubig
Gayon
din ang hangin na dating malinis,
Lahat
ng may buhay sa Silong ng langit
Ay
matatapos nang parang panaginip;
Saka
lamang naman magiging tahimik
Kung
dito’y wala nang mga manlulupig
Dahil
dito kaya kinakailangang
Iwasabn
ang imbot at mga hidwaan;
Pagsikapan
nating tuparing lubusan
Ang
aral na tayo ay mangan-ibigan;
Sapagka’t
ang Eden ay naglaho lamang
Nang
si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!
Agawin
sa kamay ng imbot at inggit
Ang
kapayapaan nitong sandaigdig;
Sugpuin
ang dahas at lakas ng lupit
Sa
pamamagitan ng Santong Matuwid;
Ang
Diyos ay gising, di ipagkakait
Ang
Kanyang saklolo sa api at amis!
Kapag
ang Ama nang Makapangyarihan
Ang
siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,
Hindi
maglalao’t ang sangkatauhan ay
makakandon
sa ang kalwalhatian;
Saka
ang ligalig na sandaigdigan
Ay
mahihimbing na sa katahimikan.
Pagninilay:
Sa akdang ito akoy hindi masyadong natuwa sa ipinakita sa kwento tulad nalang sa pagimbento ng mga teknolohiya o mga bagay ay nagdulot ng hindi maganda tulag ng pagkakaroon ng gulo dahil sa mga imbensyon dahilan din nito ang isang bagay na ninanais makuha at ang pagimbento ng bagay na nagdudulot ng hindi maganda sa atin at nailalagay tayo sa pahamak kaya aking napagtanto na ang mga bagay na ating nagagawa ay dapat natin matutunan na hindi natin makakayang pantayan ang dyos sa paglikha ng mga bagay .
Pagninilay:
Sa akdang ito akoy hindi masyadong natuwa sa ipinakita sa kwento tulad nalang sa pagimbento ng mga teknolohiya o mga bagay ay nagdulot ng hindi maganda tulag ng pagkakaroon ng gulo dahil sa mga imbensyon dahilan din nito ang isang bagay na ninanais makuha at ang pagimbento ng bagay na nagdudulot ng hindi maganda sa atin at nailalagay tayo sa pahamak kaya aking napagtanto na ang mga bagay na ating nagagawa ay dapat natin matutunan na hindi natin makakayang pantayan ang dyos sa paglikha ng mga bagay .
No comments:
Post a Comment