Ang
kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na
makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng
pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano
na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang
nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka
nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi
sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano
na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
Nagsimula
ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang
napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata
Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at
naembargo.
Nataga
at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang
sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at
kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo
paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa
Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang
mga kilala ng Kabesa.
Nang
makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan
nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa,
pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon
at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at
inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin
pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na
"inagaw sa kanya ang lahat".
Pagninilay:
Sa akdang ito ako'y nalungkot sa nangyari sa sinapit ni tata selo nakulong sya dahil sa pagpatay nya kay kabesang tano nakakalungkot din ang nagawa nya iyon kay kabesang tano at hindi rin ako natuwa sa ginawa ni kabesang tano kay tata selo kaya aking napagisip isip na sa ipinakita sa akda ay umiral ang isang matinding pagkagalit ng isang tao kaya napagtanto ko na huwag tayong magpapadala o papairalin ang pagkagalit dahil may mga bagay tayong nagagawang hindi maganda o yung mga bagay na hindi dapat natin gawin .
No comments:
Post a Comment